^

PSN Palaro

CSB Spikers pasok sa final four ng NCAA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinatikim ng St. Benilde Lady Blazers sa San Se­bastian Lady Stags ang ika­lawang pagkatalo sa 90th NCAA women’s volley­ball sa pamamagitan ng 25-18, 25-23, 25-20 panalo ka­hapon sa The Arena sa San Juan City.

Si Jeanette Panaga ay may 12 kills at 4 blocks tungo sa 17 puntos para pa­ngunahan ang Lady Bla­zers na umakyat sa 6-2 ba­raha.

Nakakalas ang Lady Stags sa pakikisalo sa ikalawang puwesto sa nagde­depensang Perpe­tual Help Lady Altas (7-1), pero wala nang epekto ito sa kampan­ya ng koponan sa titulo dahil pasok na sila sa Final  Four kasama ng St. Benilde, Perpetual at Arellano Lady Chiefs na hindi pa natatalo matapos ang walong laro.

Ang apat na nabanggit ay sasalang sa isa pang single round robin para madetermina kung sino ang mag­tutuos sa kampeonato sa kababaihan.

Pormal na ipinasok ng St. Benilde Blazers ang sa­­rili sa semifinals sa men’s division nang pabagsakin ang San Sebastian Stags via straight sets, 28-26, 25-17, 25-17.

Nagdala sa laban ng Bla­zers sina Johnvic De Guz­man at Racmade Etro­ne sa kanilang 15 at 10 hits para hagipin ng koponan ang ikaanim na panalo ma­tapos ang walong laro at tablahan ang Arellano Chiefs sa ikatlo at apat na pu­westo.

Tinapos ng EAC Ge­ne­rals ang kampanya sa eli­mination round bitbit ang ika-siyam na sunod na pa­nalo matapos ang 25-19, 25-14, 25-21 tagumpay sa Mapua Cardinals.

Ang nagdedepensang kampeon sa kalalakihan na Perpetual Help Altas ang ku­kumpleto sa semis cast sa nasabing dibisyon. (AT)

vuukle comment

ARELLANO CHIEFS

ARELLANO LADY CHIEFS

HELP LADY ALTAS

JOHNVIC DE GUZ

LADY BLA

LADY STAGS

MAPUA CARDINALS

PERPETUAL HELP ALTAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with