^

PSN Palaro

Orcollo lumapag sa No. 5 sa WPA rankings

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napanatili ni Dennis Orcollo ang pagiging pinakamahusay na pool player ng Pilipinas.

Pero kung ikukumpara siya sa mga katunggali mula sa ibang bansa, lumalabas na panlima lamang ang man­lalaro mula Bugsy Stable.

Sa rankings ng World Pool Association na kung saan pinagbasehan nila ang ipinakita ng mga bilyarista sa siyam na malalaking torneo sa mundo, si Orcollo ay nagkaroon lamang ng 11, 525 total puntos para okupahan ang ikalimang puwesto.

Ang mga binigyan ng puntos ng WPA ay ang mga kompetisyon ng World 9-Ball Championship, US Open 9-Ball, China Open, All Japan Championship, CBSA Pool International Open, Euro Tour-Austria, Euro Tour-Slovenia, Euro Tour Dutch at Member Ranking Event sa China.

Hindi nakasali si Orcollo sa tatlong Euro Tour at ang pinakamalaking puntos na nakuha niya ay sa US Open 9-Ball na 5,400 puntos nang pumangalawa kay Shane Van Boening ng US.

Dalawa pang Pinoy na sina Carlo Biado at Johann Chua ang nasa top 10 sa talaan na dinomina ni Niels Feijen ng Netherland sa nakuhang 15,230 puntos.

Si Biado ay nasa ikapitong puwesto bitbit ang 10,135 puntos at si Chua ay nasa ika-siyam sa 9,330 puntos.

Ang Taiwanese cue-artist na si Chang Yu Lung ang nasa ikalawang puwesto tangan ang 15,175 puntos habang si Van Boening ang nasa ikatlo sa 14,600 puntos.

Si Li Hewen ng China ang nasa ikaapat sa 12,255 habang si Albin Ouschan ng Austria ang nasa ikaanim sa 11,010, si Nick Ekonomopoulus ng Greece ang nasa ikawalo sa 10,010 at sina Thorsten Hohmann ng Germany at Chang Jung Lin ng Chinese Taipei ang  magkasalo sa ika-10 sa 8,690 puntos.

Ang panlaban sa kababaihan na si Rubilen Amit ay nasa ikapitong puwesto tangan ang 7,490 puntos.

Limang kompetisyon na Amway Espring Open, China Open, Women’s 9-Ball, CBSA Pool International Open at Member Ranking Event sa China ang mga torneong may basbas ng WPA at si Chen Siming ng China ang lumabas bilang numero uno sa 12,540.

Si Ga Young Kim ng Korea ang nasa ikalawang puwesto sa 12,140.

ALBIN OUSCHAN

ALL JAPAN CHAMPIONSHIP

AMWAY ESPRING OPEN

ANG TAIWANESE

BALL CHAMPIONSHIP

CHINA OPEN

MEMBER RANKING EVENT

NASA

POOL INTERNATIONAL OPEN

PUNTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with