^

PSN Palaro

Azkals ‘di papatalo sa Thais

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Malalaman sa gabing ito kung makakagawa pa ng kasaysayan ang Philippine Azkals sa pagharap sa War Elephants ng Thailand sa ikalawa at huling laro sa 2014 AFF Suzuki Cup semifinals.

Sa ganap na alas-8 ng gabi (Manila time) sa harap ng tiyak na mag-uumapaw na Rajamangala Stadium sa Bangkok, Thailand gagawin ang tagisan at kaila­ngan ng Azkals na makahirit ng scoring draw upang umabante sa championship round ng liga sa kauna-una­hang pagkakataon.

Winakasan ng Azkals ang 14 na sunod na kabiguan sa kamay ng Thais mula 1971 nang iuwi ang 0-0 tabla sa home game ng Pambansang koponan noong Sabado ng gabi sa Rizal Memorial Football Pitch.

Bago ang laro ay nasabi ni German-American Azkals coach Thomas Dooley na dapat patunayan sa lahat na tunay ang galing ng Azkals at mangyayari lamang ito kung mananalo  sa malalaking laro tulad ng pagsungkit ng tagumpay bilang dayong koponan sa larong ito.

“I have seen the sparks in our side. They (Thais) will do everything to beat us and we just have to be ready,” wika ni Dooley.

Depensa ang siyang pangunahing sandata na gagamitin ng Azkals para pigilan ang tiyak na mas maigting na pag-atake mula sa home team.

Dalawang strikers ang hindi makakasama ng Thais sa larong ito dahil may injury si Kirati Kawesombut habang suspendido si Adisak Kraisorn matapos bigyan ng red card nang saktan si Amani Aguinaldo.

Ang mananalo ang ma­kakaharap ng alinman sa Vietnam o Malaysia sa isa pang semis match. (AT)

vuukle comment

ADISAK KRAISORN

AMANI AGUINALDO

AZKALS

GERMAN-AMERICAN AZKALS

KIRATI KAWESOMBUT

PHILIPPINE AZKALS

RAJAMANGALA STADIUM

RIZAL MEMORIAL FOOTBALL PITCH

SUZUKI CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with