^

PSN Palaro

Kia sinibak ng Meralco

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(Smart Araneta Coliseum)

4:15 p.m. RoS vs Alaska

7 p.m. SMbeer vs TNT

 

MANILA, Philippines - Naisuko ng Bolts ang itinayong 22-point lead sa kaagahan ng third period, ngunit nakabalik sa porma sa huling limang minuto ng final canto para patalsikin ang Sorento.

Nagsalpak si Mark Macapagal ng dalawang mahalagang three-point shot sa dulo ng fourth quarter, habang tumapos si Jared Dillinger na may 25 points at 7 rebounds para sa 99-93 pananaig ng Meralco sa Kia sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Binuhay ng Bolts ang kanilang tsansa para sa ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals, samantalang tuluyan nang namaalam ang Sorento ni playing coach Manny Pacquiao sa nalasap nilang pang-siyam na sunod na kamalasan.

Solo ng San Miguel ang liderato sa kanilang 8-1 rekord kasunod ang Alaska (8-2), Rain or Shine (7-2), Talk ‘N Text (6-3), Ginebra (6-4), nagdedepensang Purefoods (5-4), Globalport (5-5), Meralco (5-5), Barako Bull (4-6), NLEX (3-7), Kia (1-9) at sibak nang Blackwater (0-10).

Matapos iposte ng Bolts ang 22-point lead, 63-41, sa pagsilip ng third period ay kumamada naman ang Sorento ng 22-8 atake para agawin ang unahan, 72-71, sa huling 20.9 segundo.

“When they took lead in fourth there’s a possibility we might lose the game,” ani Meralco head coach Norman Black sa Kia.

Tumipa si Macapagal ng dalawang tres at na­ki­pagtulungan kay Cliff Hodge sa final canto para muling ibigay sa Bolts ang 92-83 abante sa huling 4:20 minuto ng laro.

Huling nakadikit ang Sorento sa 93-96 sa natitirang 48 segundo at hindi na nakaiskor muli hanggang sa pagtunog ng final buz­zer.

Meralco 99 -- Dillinger 25, Hodge 17, Anthony 14, Wilson 11, David 10, Macapagal 8, Morrison 4, Cortez 3, Ferriols 3, Ildefonso 2, Sena 2, Buenafe 0, Guevarra 0.

Kia 93 -- Cervantes 18, Poligrates 11, Revilla 10, Ba­gatsing 10, Thiele 9, Alvarez 8, Pascual 8, Dehesa 7, Custodio 6, Webb 4, Burtscher 3,.

Quarterscores: 34-19; 60-39; 73-72; 99-93.

BARAKO BULL

CLIFF HODGE

JARED DILLINGER

KIA

LARO BUKAS

MACAPAGAL

MERALCO

SMART ARANETA COLISEUM

SORENTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with