^

PSN Palaro

Lady Stags pinosasan ng Lady Chiefs

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinutol ng Arellano Lady Chiefs ang anim na sunod na panalo ng San Sebastian Lady Stags, 25-21,15-25, 25-14, 25-18, para solohin ang liderato sa women’s division sa 90th NCAA volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 11 at 10 kills sina Menchie Tubeira at Danna Henson para kunin ng Lady Chiefs ang 48-32 dominasyon sa attack department habang may apat na blocks si Cristine Joy Rosario tungo sa 6-2 kalamangan para trangkuhan ang ikaanim na diretsong panalo ng koponan.

Tumapos sina Tubiera, Rosario at Henson bitbit ang 12, 12 at 11 hits para mangibabaw sa mga katapat sa Lady Stags na nalag­lag sa ikalawang puwesto sa 6-1 baraha.

Kinumpleto ng Chiefs ang dominasyon sa Baste nang angkinin ang 25-17, 22-25, 25-15, 25-21, panalo sa Stags sa men’s division.

Samantala, sinandalan ng host JRU Lady Bom­bers ang 19 spikes tungo sa 25 hits ni Maria Shola Alvarez para sa 25-21, 23-25, 25-15, 25-12, panalo sa Mapua Lady Cardinals.

vuukle comment

ARELLANO LADY CHIEFS

CRISTINE JOY ROSARIO

DANNA HENSON

LADY BOM

LADY CHIEFS

LADY STAGS

MAPUA LADY CARDINALS

MARIA SHOLA ALVAREZ

MENCHIE TUBEIRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with