Dooley tiwalang lalabas uli ang pangil ng Azkals vs Thais
MANILA, Philippines – Sinasandalan ni German/American Azkals coach Thomas Dooley na maipapakita uli ng Pambansang koponan ang magandang porma sa makasaysayang panalo laban sa Indonesia sa pagbangga sa Thailand sa Sabado sa Rizal Memorial Football Stadium para sa semifinals ng 2014 AFF Suzuki Cup.
Matatandaan na tinapos ng Pilipinas ang 80 taon na hindi nananalo ang koponan sa Indonesia sa kagulat-gulat na 4-0 shutout tagumpay sa Group elimination na ginawa sa Hanoi, Vietnam.
“It was an unbelievable game. It was the best I’ve since from the team. If the team is focused like we were against Indonesia, then we can beat them,” wika ni Dooley nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.
Taong 1971 pa noong huling nanalo ang bansa sa Thais at papasok sila sa home game ng Azkals bitbit ang 14 sunod na kabiguan.
Huling naglaban ang dalawang bansa ay noong Nobyembre 10 sa Thailand at dinurog ng koponan ang Azkals, 3-0.
Hindi makakasama ng koponan ni Juan Guirado dahil sa hamstring injury habang alanganin pa si Patrick Reichelt dahil sa knee injury.
Pero posibleng lumakas ang koponan dahil maaaring makasama ng Azkals ang Filipino-German na si goal keeper Roland Muller.
Kailangang ng Azkals na makuha ang panalo upang tumaas ang kumpiyansa sa pagharap sa home game ng Thails sa Dec.10.
- Latest