^

PSN Palaro

2nd PSC Chairman’s Cup Baseball Classic Philab, Ateneo humabol sa semis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Gumawa ng three-run homerun si Jonash Ponce sa eight inning upang tu­lu­ngan ang nagdedepensang kampeon Philab na bumangon mula sa 0-2 tungo sa 6-2 panalo laban sa NU Bulldogs sa PSC Chairman’s Cup Baseball Classic kahapon sa Rizal Memorial Baseball Stadium.

Si MJ Gante ay pumukol ng limang inning relief pitching at nagbigay lamang ng dalawang hits at may limang strikeouts para maisantabi ang dalawang runs na naibigay ng starting pitcher ng Philab na si Vladimir Eguia.

Ang panalo ng Philab ay nagbigay ng tiket sa koponan sa semifinals sa kompe­tis­yong inorganisa ni PSC chairman Ricardo Garcia.

Hindi nagpahuli ang UAAP champion Ateneo Eagles na pinagpahinga ang UP Maroons, 9-3, sa isa pang laro sa loser’s bracket.

Umabante na sa finals ang Air Force matapos igupo ang Unicorns, 12-2.

Hawak ng Air  Force ang twice-to-beat advantage sa makakatapat sa finals na lalaruin sa Disyembre 7.

Makakasukatan ng Unicorns ang mananalo sa pagitan ng Philab at Ateneo match sa Sabado para malaman kung sino ang ookupa ng huling tiket  sa finals mula sa one-loss bracket. (AT)

vuukle comment

AIR FORCE

ATENEO

ATENEO EAGLES

CUP BASEBALL CLASSIC

JONASH PONCE

PHILAB

RICARDO GARCIA

RIZAL MEMORIAL BASEBALL STADIUM

VLADIMIR EGUIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with