^

PSN Palaro

Asian Beach Games medalists may cash incentives

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatanggap sina windsurfer Geylord Coveta at ju-jitsu specialists Annie Ramirez at Maybelline  Masuda ng cash incentives matapos mag-uwi ng gold medals mula sa nakaraang 2014 Asian Beach Games sa Phuket, Thailand.

Ito ang inihayag ni Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia hinggil sa pagbibigay nila ng insentibo sa mga atletang kumolekta ng medalya sa Asian Beach Games.

Tumapos ang Team Philippines na may 3 gold, 2 silvers at 7 bronze medals sa nasabing continental meet.

Ayon kay Garcia, sina Coveta, Ramirez at Masuda ay tatanggap ng tig-P100,000, habang ang dalawang silver medalists ay bibigyan ng P50,000 at ang pitong bronze winners ay magbubulsa ng P25,000.

Ang 2015 Southeast  Asian Games sa Singapore ang susunod na paghahandaan ng bansa.

Habang nakapagbigay ng karangalan sa bansa ang mga medal performers ay hindi rin dapat kalimutan ang mga lumaban nang husto sa kanilang mga events.

Naging maganda pa rin ang ipinakita nina triathletes Marion Kim Mangrobang at John Leerams Chicano matapos pumuwesto bilang pang-lima at pang-anim, ayon sa pagkakasunod sa women’s at men’s division.

Inilahok sila ni Chief de Mission Richard Gomez sa nasabing Olympic sport matapos payagan ni POCchairman at triathlon chief Tom Carrasco.

 

ANNIE RAMIREZ

ASIAN BEACH GAMES

ASIAN GAMES

GEYLORD COVETA

JOHN LEERAMS CHICANO

MARION KIM MANGROBANG

MASUDA

MISSION RICHARD GOMEZ

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RICHIE GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with