^

PSN Palaro

Le Tour de Filipinas kasado na sa Pebrero

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Babasagin ng Le Tour de Filipinas (LtDF) ang dekada ng tradisyunal na pagdaraos ng cycling event na ginagawa tuwing buwan ng Abril o Mayo.

Ang pang-anim na edis­yon ng LtDF ay nakatakda sa Pebrero 1 hanggang 4, 2015 na magiging tampok sa pagdiriwang ng ika-60 taon ng Tour sa bansa.

Ang International Cycling Union (UCI), ang world governing body para sa cycling, ang nag-is­ked­yul sa LtDF sa Peb­rero para makaangkop sa  Asian Tour calendar.

Inilunsad ang Tour no­ong 1954 sa pamamagitan ng Manila-Vigan race na pinagharian ni Antonio Arzala bilang inaugural champion. Pakakawalan ang 2015 Le Tour sa Peb­rero 1 hanggang 4 sa Cordilleras sa Burn­ham Park sa Baguio City.

Ang inaasahang 75 riders mula sa 15 koponan na tatampukan ng mga continental at international squads at clubs ay aakyat sa Kennon Road--isang maikli ngunit mapanganib na 18-km climb na napasa­ma sa mga istorya ng Phi­lippine cycling.

ABRIL

ANG INTERNATIONAL CYCLING UNION

ANTONIO ARZALA

ASIAN TOUR

BAGUIO CITY

KENNON ROAD

LE TOUR

PEB

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with