^

PSN Palaro

Petecio kinapos sa gold

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinapos ang laban para sa ginto ni Nesthy Petecio nang matalo siya kay Zinaida Dobrynina ng Russia sa Finals ng featherweight division sa pagtatapos ng 2014 AIBA World Championships kahapon sa Jeju Island, South Korea.

Ibinigay ni Petecio ang lahat ng kanyang nalalaman pero sinamang-pa­lad na hindi nakuha ang pagsang-ayon ng dalawa sa tatlong hurado para makontento sa pilak.

Tabla ang iskor sa isang hurado sa 38-all pero ang dalawang iba pa ay pumanig kay Dobrynina,  sa iisang  39-37, iskor  tu­ngo sa gintong medalya.

Hindi naman naalisan ng kinang si Petecio sa pagkatalo sa finals dahil tunay na ipinamalas niya ang ipinagmamalaking tapang ng mga atleta ng Pilipinas.

Nangyari ito sa semifinals na kung saan pinatal­sik ng tubong Davao del Sur ang nagdedepensang kampeon at number one ranked sa division na si Tiara Brown ng USA.

Mga hooks ang naging pamatay ni Petecio sa mas matangkad na si Brown tungo sa 40-36, 39-38, 39-38 panalo.

Bago si Brown ay kina­los muna ni Petecio sina Manel Meharzi ng Algieria at Maryna Malovana  ng Ukraine sa unang dalawang round bago isinunod si Lu Qiong ng China sa quarterfinals. Dominado ni Petecio ang lahat ng mga labang ito dahil sa pamamagitan ng unanimous decision siya nagtagumpay.

Sina Roel Velasco at Violito Payla ang mga coaches at si Karina Picson ang itinalagang team ma­nager ng team Phl na isinali ng ABAP sa torneo. (AT)

JEJU ISLAND

KARINA PICSON

LU QIONG

MANEL MEHARZI

MARYNA MALOVANA

NESTHY PETECIO

PETECIO

SINA ROEL VELASCO

SOUTH KOREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
3 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with