^

PSN Palaro

Giants susubukan ang Warriors

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pagsisikapang isantabi ng Jumbo Plastic Giants ang pagkawala ng ilang key players sa pagharap sa MP Hotel Warriors sa PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa JCSGO gym sa Cubao, Quezon City.

Ikalawang sunod na pa­nalo at pang-apat matapos ang limang laro ang makukuha ng Giants kung mapataob ang Warriors sa kanilang tagisan sa ikalawang laro dakong alas-2 ng hapon.

Kasalo ngayon ng tropa ni coach Stevenson Tiu ang pahingang Café France Bakers sa ikatlong puwesto kasunod ng walang talong Hapee Fresh Fighters at Cagayan Valley Rising Suns.

Galing ang Giants  mula sa  81-65 panalo sa Wangs Basketball sa larong nakitaan ng pagkawala ng sentrong si McLean Sabellina nang napilayan sa index finger.

Si Sabellina ang ikalawang big man ng Giants na hindi makakalaro matapos dumanas ng shoulder injury si Jan Colina.

Bukod pa ito sa pagka­wala ng mahusay na guard na si Brian Heruela na kinuha ng Blackwater Elite sa PBA habang ang shooter na si Jan Colina ay nagpaalam para maglaro sa ibang liga.

Paniwala naman ni Tiu na may mga maaasahang manlalaro pa siya para daigin ang Warriors na may 1-3 baraha.

Apat pang koponan na nasa huling puwesto ang mag-uunahan sa pagha­hangad ng panalo sa dalawang hiwalay na laro.

Ang Racal Motors ay makikipagtagisan sa AMA University Titans sa unang laro sa ganap na alas-12 ng tanghali habang ang MJM Builders at Bread Story-LPU Pirates ang magkikita sa huling laro dakong alas-4 ng hapon.

ANG RACAL MOTORS

BLACKWATER ELITE

BREAD STORY

BRIAN HERUELA

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

D-LEAGUE ASPIRANTS

FRANCE BAKERS

HAPEE FRESH FIGHTERS

JAN COLINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with