^

PSN Palaro

Petecio wagi sa Ukrainian boxer

Pilipino Star Ngayon

JEJU CITY, South Ko­rea--Lumapit sa quarterfinal round si Nesthy Petecio, ang natitirang Filipina na naiwang lumalaban para sa Pilipinas sa 2014 World Women’s Cham­pionships, makaraang gibain si Ukrainian fighter Maryna Malovana.

Ito ang pangatlong sunod na arangkada ni Petecio, hangad na makapag-uwi ng medalya para sa bansa.

Nauna nang nakalasap ng magkakahiwalay na kabiguan sina Josie Gabuco at Irish Magno na pansamantalang nagpakulimlim sa kampanya ng koponan sa kompetisyon.

Sina Gabuco at Magno ay nagsilbing cheering squad ng 22-anyos na pambato ng Davao del Sur na si Petecio para manalo sa featherweight (57 kg.) division.

Ang lahat ng tatlong judges ay binigyan si Petecio ng magkakatulad na 40-36.

Sunod na lalabanan ni Petecio si Lu Qiong ng China para makapasok sa medal round.

Ang anim na panalo ang magbibigay kay Petecio ng gold medal sa na­turang torneo.

IRISH MAGNO

JOSIE GABUCO

LU QIONG

MARYNA MALOVANA

NESTHY PETECIO

PETECIO

SINA GABUCO

SOUTH KO

WORLD WOMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with