^

PSN Palaro

Phl sumikwat pa ng silver at bronze

Pilipino Star Ngayon

PHUKET, Thailand – Kumulekta pa ng pilak at bronze medal ang Pilipinas sa water ski sa pagpapatuloy ng 4th Asian Beach Ga­mes dito.

Si Susan Madelene Larsson ang nanalo ng pilak sa women’s cable wakeskate sa nakuhang 82 puntos habang si Jose Cembrano ang umangking ng bronze medal sa naitalang 78 puntos sa men’s division.

Ang Pilipinas ay mayroon ng dalawang ginto, isang  pilak at tatlong  bronze medals pero sapat lamang ito para malagay sa ika-12 pu­westo sa 45 bansang kom­petisyon.

May pag-asa pang  ma­dagdagan ang medal­yang mapapanalunan ng bansa dahil nagwagi sa ikalawang laro sina men’s beach volley players Edmar Bonono at Edward Ybañez nang hindi sumipot sina Khaled Alarqan at Abdelrahman ng Palestine.

Ang dalawang medalya ay sariwang hangin na tu­mabon sa pagkatalo ng ibang Pambansang atleta.

Natalo ang Perlas Pilipinas sa China, 13-19, sa semifinals para matanggal sa medal race habang ang women’s handball team ay natalo sa ikalawang sunod sa kamay ng Vietnam.

Ang mga pambato sa triathlon na sina Nikko Huelgas at John Chicano sa kalalakihan at Kim Mango­robang sa kababaihan ay hindi tumimbang at si Huel­gas ay nalagay sa 15th at si Chicano sa 27th sa 39 naglaban habang si Mangorobang ay nasa 10th place.

ANG PILIPINAS

ASIAN BEACH GA

EDMAR BONONO

EDWARD YBA

JOHN CHICANO

JOSE CEMBRANO

KHALED ALARQAN

KIM MANGO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with