1 round lang kailangan ni Pacquiao - Roach
MANILA, Philippines – Isang round lamang ang kailangan ni Manny Pacquiao upang pabagsakin ang wala pang talong si Chris Algieri, ayon sa kanyang trainer na si Freddie Roach.
“Manny only needs one round to keep his crown,” wika ng trainer sa beteranong boxing writer na si Eddie Alinea matapos ang sparring session sa pagitan nina Pacquiao at lightweight Stan Martyniouk.
Tapos na ang training camp ni Pacquiao sa General Santos City at ngayon ay patungo na siya sa Macau kung saan gaganapin ang bakbakan.
“I’m very happy with the way the camp went the past two months,” pagpapatuloy ni Roach.
“This is one of the best camp we’ve held. Better than, say, Manny’s previous eight fights or so,” dagdag niya.
Matagal-tagal na rin nang huling maka-knockout si Pacquiao kaya naman gusto ni Roach na mabasag na ang panunuyot ng eight-division champion.
Naniniwala si Roach na bumalik na ang lakas ng Filipino boxing icon matapos paduguin ang ilong ni Martyniouk, habang pinabagsak ang isa pang Amerikanong sparmate.
“Credit should go to Manny, too, for his work ethics, sincerity and determination in following the training regimen we crafted for him,” ani Roach.
“That he endured the rigor and toughness of what he went through meant he’s back to the days when he was knocking out everybody that crossed his path, including opponents much, bigger than him.”
- Latest