^

PSN Palaro

RC Cola dinungisan ang Petron

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinapos ng RC Cola-Air Force Raiders ang pamama­yagpag ng Petron Lady Blaze Boosters sa  25-20, 25-20, 16-25, 25-22 panalo sa 2014 Philippine Superliga Grand Prix na handog ng Asics kahapon sa Cuneta Astrodome.

Si Emily Brown ay naghatid ng 13 kills at tig-dalawang blocks at aces tungo sa 17 puntos, habang sina Joy Cases at Bonita Wise ay nag-ambag ng 14 at 13 puntos para manatili ang Raiders sa ikalawang puwesto sa 4-3 baraha.

Ito ang unang pagkatalo ng Petron sa ligang inorga­nisa ng Sports Core at suportado ng Air 21, My Phone, Via Mare, Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healtyway Medical, Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

May 25 puntos si Alaina Bergsma, habang si Dindin Santiago ay may 13 hits pero ininda ng koponan ang malamig na panimula sa naunang dalawang sets.

Nakabawi man sa third set ay hindi napagtiyagaan ng Raiders na tapatan ang malakas na pagbangon ng katunggali para mangibabaw sa fourth set.

vuukle comment

ALAINA BERGSMA

BONITA WISE

COLA-AIR FORCE RAIDERS

CUNETA ASTRODOME

DINDIN SANTIAGO

HEALTYWAY MEDICAL

JINLING SPORTS

JOY CASES

MUELLER SPORTS MEDICINE

MY PHONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with