^

PSN Palaro

Burke itinakas ang Jazz laban sa Knicks

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK – Masyadong nasa sulok at nababantayan si Trey Burke kaya natiyak ni Carmelo Anthony na magpapatuloy ang laro sa overtime period.

“There’s no way that’s going in,” sabi ni Anthony. “Let’s just get the rebound and go to overtime.”

Ngunit nagawa na ito ni Burke at siya ang mas nakakaalam.

“It looked good as soon as it left my hand,” wika ni Burke matapos isalpak ang krusyal na jumper sa pagtunog ng final buzzer para ibigay sa Utah Jazz ang 102-100 panalo laban sa New York Knicks, nakahugot ng NBA season-high na 46 points kay Anthony.

Ang three-point shot ni Anthony sa natitirang 2.3 segundo ang nagtabla sa laro sa 100-100.

Subalit natanggap ni Burke ang bola malapit sa bench ng Jazz at tinirahan si J.R. Smith para sa kanyang winning jumper.

Ito ang pang-pitong su­nod na kamalasan ng Knicks .

Umiskor si Gordon Hay­ward ng season-high na 33 points para sa Utah, habang nagdagdag si Derrick Favors ng 21 points at 12 rebounds.

Sa Boston, nagtuwang sina James at Kyrie Irving para tulungan ang Cleveland Cavaliers sa 122-121 panalo laban sa Celtics.

Humugot si James ng 10 sa kanyang season-high 41 points sa fourth, habang gumawa si Irving ng 15 sa kanyang 27 markers sa fi­nal quarter para sa pa­ngatlong sunod na panalo ng Cleveland.

Sa Los Angeles, nagtala si Tim Duncan ng 13 points at tumipa si Cory Jo­seph ng 14 points para sa 93-80 panalo ng San Antonio Spurs sa Lakers.

CARMELO ANTHONY

CLEVELAND CAVALIERS

CORY JO

DERRICK FAVORS

GORDON HAY

KYRIE IRVING

NEW YORK KNICKS

SA BOSTON

SA LOS ANGELES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with