^

PSN Palaro

Matikas pa ang Aces

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Davao City)

5 p.m. Rain or Shine vs Meralco

 

MANILA, Philippines - Wala pa ring tatalo sa Alaska.

Rumatsada sa kanilang ikaanim na sunod na panalo ang Aces matapos pabagsakin ang expansion team na Blackwater Elite, 69-56, para patuloy na banderahan ang 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

“I thought we set the tone defensively in the first half,” sabi ni Alaska American coach Alex Compton. “The energy is high, much higher than the Kia game, and I was proud with how our players responded.”

Natikman naman ng Blackwater ni mentor Leo Isaac ang kanilang pang-anim na dikit na kamalasan.

Kinuha ng Aces ang 17-point lead, 38-21, sa 9:14 minuto ng third period galing sa tirada ni Eric Menk hanggang makadikit ang Elite sa 42-47 agwat sa 10:43 minuto sa fourth quarter.

Huling nakalapit ang Blackwater sa 44-49 bago maghulog ang Alaska ng 16-3 bomba para muling makalayo sa 65-47 sa likod ng pagtutulungan nina Calvin Abueva, RJ Jazul, JVee Casio at Vic Manuel.

At mula rito ay hindi na nilingon pa ng Aces ang Elite.

Humakot ang 40-anyos na si Menk ng 14 points at 13 rebounds, habang nagtala si Abueva ng 13 markers at 18 boards para sa panalo ng Alaska.

Samantala, hangad naman ng Rain or Shine ang kanilang ikatlong sunod na arangkada sa pagharap sa Meralco ngayong alas-5 ng hapon sa Davao City.

Nasa isang two-game losing skid ang Bolts ni Norman Black.

Alaska 69 -- Menk 14, Abueva 13, Manuel 10, Banchero 6, Baguio 6, Hontiveros 6, Casio 4, Eximiano 3, Jazul 3, Bugia 2, Dela Cruz 0, Eman 0, Dela Rosa 0.

Blackwater 56 -- Rodriguez 10, Erram 9, Menor 9, Gamalinda 5, Salvacion 5, Artadi 4, Timberlake 3, Tiongson 3, Faundo 2, Nuyles 2, Ballesteros 2, Laure 2, Celis 0, Cawaling 0.

Quarterscores: 15-9; 32-20; 46-38; 69-56.

 

ABUEVA

ALASKA AMERICAN

ALEX COMPTON

BLACKWATER ELITE

CALVIN ABUEVA

CASIO

DAVAO CITY

DELA CRUZ

DELA ROSA

ERIC MENK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with