^

PSN Palaro

Painters pinigil ang Batang Pier

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

STANDINGS   W    L

Alaska                            5    0

San Miguel                   4    1

*Ginebra                        4    1

Talk ‘N Text                   4    2

Rain or Shine               4    2

Meralco                          3    2

Globalport          3    3

NLEX                2    3

Purefoods                     1    3

Kia Sorento                   1    5

*Barako Bull                  0    4

Blackwater                             0    5

*naglalaro pa as of presstime

Laro Bukas

(Smart Araneta Coliseum)

4:15 p.m. Alaska

vs Blackwater

7 p.m. NLEX vs Purefoods

 

MANILA, Philippines - Bumangon ang Elasto Painters mula sa malam­yang panimula para magtayo ng 13-point lead sa second period at muntik mapuwersa ng Batang Pier sa overtime.

Ngunit nadepensahan ni  6-foot-5 Gabe Norwood ang tangkang three-point shot ng six-footer na si Globalport veteran guard Alex Cabagnot sa natitirang 4.8 segundo para kunin ng Rain or Shine ang 86-83 tagumpay sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Humugot si Jeff Chan ng 11 sa kanyang 16 points sa fourth quarter para sa 4-2 record ng Elasto Pain­ters katabla ang Talk ‘N Text Tropang Texters, habang nagdagdag ng 12 si Beau Belga kasunod ang tig-11 nina Paul Lee at Raymond Almazan at tig-10 nina Jervy Cruz at JR Quiñahan.

Napigilan naman ang dalawang sunod na ratsada ng Batang Pier para sa kanilang 3-3 marka.

“Globalport really pu­shed us. We can’t sustain our energy,” sabi ni Rain or Shine head coach Yeng Guiao na ikinadismaya rin ang mahina nilang free throw shooting at reboun­ding.

Kinuha ng Globalport ang 13-8 abante sa first period bago inilista ng Asian Coating franchise ang 13-point lead, 49-36, sa halftime.

Ang 3-pointer ni Chan ang nagbigay sa Elasto Painters ng 82-78 bentahe sa 5:08 minuto ng final canto at ang split ni Yancy De Ocampo ang nagdikit sa Batang Pier sa 83-84 sa huling 1:04 minuto.

Makaraan ang turnover ni Belga sa posesyon ng Rain or Shine ay tumalbog naman ang jumper ni Cabagnot sa panig ng Globalport.

Ito ang nagresulta sa dalawang free throws ni Lee para sa 86-83 kalamangan ng Elasto Painters sa nalalabing 4.8 segundo.

Pinamunuan ni Cabagnot ang Batang Pier.

Rain or Shine 86 - Chan 16, Belga 12, Lee 11, Almazan 11, Cruz Jervy 10, Quinahan 10, Ibañes 8, Cruz Jericho 4, Norwood 3, Teng 1, Tang 0.

Globalport 83 - Cabagnot 20, Jensen 15, Pringle 14, De Ocampo 14, Semerad 8, Isip 6, Romeo 3, Buenafe 3, Bac­lao 0, Ponferada 0, Nabong 0, Taha 0, Caperal 0, Pinto 0.

Quarterscores: 23-20; 49-36; 63-70; 86-83.

ALEX CABAGNOT

ASIAN COATING

BATANG PIER

CABAGNOT

ELASTO PAINTERS

GLOBALPORT

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
22 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with