^

PSN Palaro

Matitikas na bilyarista sasargo sa RP Open 10-Ball

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pangungunahan ng world’s number 2 na si Sha­ne Van Boening ng USA at number three Chang Yu Lung ng Chinese Taipei  ang 11 rated billiards players na magpapakitang-gilas sa Philippine Open 10-Ball Championships mula Dis­yembre 8 hanggang 16 sa SM City Mall ng General Santos City.

Ang number four player sa mundo na si Dennis Orcollo ang siyang magdadala ng laban mula sa host country sa kompetisyong  inorganisa ni Manny Pacquiao bilang isa sa kanyang selebrasyon sa paggunita ng kanyang ika-36th ka­arawan sa Disyembre 17.

Pinasarap ang tagisan sa 10-ball ng $150,000.00 kabuuang gantimpala at ang mananalo sa singles division ay magbibitbit ng $50,000.00 unang premyo.

Ang iba pang world rated players na tutungo sa GenSan ay sina No. 7 Thorsten Hohmann ng Germany, No. 11 Ko Pin Yi at No. 12 Chang Jung Lin  ng Chinese Taipei at No. 13 Mika Immonen ng Finlad.

Hindi pa kumpirmado ang paglahok ni Li Hewen na number 8 sa world ran­king pero nagpasabi ang China na magpapadala ng pinakamahusay na manla­laro sa kompetisyon.

Ang iba pang Filipino cue artists na rated sa top 20 na sina Carlo Biado (9), Johann Gonzales Chua (10), Lee Van Corteza (17), Jeffrey Ignacio (19), Warren Kiamco (20) at Elmer Haya (21) ay kasali rin bukod pa sa mga maalamat na sina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Djangco” Bus­tamante.

BALL CHAMPIONSHIPS

CARLO BIADO

CHANG JUNG LIN

CHANG YU LUNG

CHINESE TAIPEI

CITY MALL

DENNIS ORCOLLO

ELMER HAYA

GENERAL SANTOS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
13 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with