^

PSN Palaro

Hapee kumukutitap sa itaas

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naipagpatuloy ng Ha­pee Fresh Fighters ang pagpapanalo habang na­kabangon ang Wangs Bas­ketball mula sa huling kabiguan sa pagpapatuloy kahapon ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Si Ola Adeogun ay may 18 puntos at walong rebounds habang si Bobby Ray Parks Jr. ay naghatid ng 10 puntos, walong rebounds at anim na assists para tulungan ang Hapee na solohin ang liderato sa 12 koponang liga sa pagsungkit ng ikatlong sunod na panalo sa 79-66 pana­naig  sa MJM Builders.

May 16 puntos si Mac Belo habang10 ang ginawa ni Mike Tolomia para sa MJM Builders kung saan napatalsik ang coach na si Nash Racela sa first half dahil sa dalawang technical fouls.

Hindi rin natapos ng guard na si Gryann Mendoza ang bakbakan dahil sa ikatlong yugto ay napatalsik din nang banggain ang referee bilang protesta sa tawag.

Sa pangunguna ni A­deogun ay lumayo agad ang tropa ni coach Ronnie Magsanoc sa 21-10 at nagpatuloy ang mainit na ipinakita nang hawakan ang pinakamalaking kala­mangan sa laro na 20 puntos, 50-30.

Kinalos naman ng Wangs  ang Racal Motors, 80-72, para makabangon mula sa 70-87pagkakadurog sa MP Hotel Warriors noong Oktubre 30.

Sina Michael Miranda at Rocky Acidre ang namuno sa 5-0 atake matapos ang huling tabla sa 67-all upang makuha uli ng Wangs ang momentum.

BOBBY RAY PARKS JR.

D-LEAGUE ASPIRANTS

FRESH FIGHTERS

GRYANN MENDOZA

HOTEL WARRIORS

MAC BELO

MIKE TOLOMIA

NASH RACELA

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with