^

PSN Palaro

Algieri tutungo na sa Macau

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinapos kahapon ni American challenger Chris Algieri ang kanyang pagsa­sanay sa Las Vegas, Nevada at nakatakda nang magtungo sa Macau, China kung saan sila magtutuos ni Manny Pacquiao sa Nobyembre 23 sa The Venetian.

Sa kanyang pang huling public workout ay ipinakita ng 5-foot-10 na si Algieri ang kanyang maskuladong pa­ngangatawan at magandang kondisyon sa harap ng mga boxing fans  sa Las Vegas.

Hangad ni Algieri (20-0-0, 8 KOs) na maagaw ang suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown ng 5’6 na si Pacquiao (56-5-3, 38 KOs).

Nakatakdang magtungo ang Team Algieri sa Macau, China sa Miyerkules.

Kamakalawa ay sumailalim ang 30-anyos na si Algieri sa 13 rounds na sparring laban sa tatlong magkakaibang sparmates.

Ngunit walang napuruhan si Algieri sa kanyang mga sparmates kumpara sa 35-anyos na si Pacquiao sa kanyang training camp sa Wild Card Pacman Gym sa General Santos City.

Matapos mapadugo ang ilong ni 5’11 Viktor Postol (26-0-0, 11 KOs) at matamaan nang solido si 5’9 Mike Jones (26-2-0, 19 KOs) ay napabagsak naman ni Pacquiao si 5’10 Stan “The Man” Martyniouk (13-2-0, 2 KOs) noong Huwebes.

Kamakailan ay sinabi ni chief trainer Freddie Roach na mas mahusay pa ang naturang mga sparmates ni Pacquiao kesa kay Algieri.

ALGIERI

CHRIS ALGIERI

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS CITY

LAS VEGAS

MACAU

MIKE JONES

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with