PLDT, FEU Spikers lumapit sa 3rd place
MANILA, Philippines – Lumapit ang PLDT Home Telpad Power Boosters at FEU Tamaraws sa isang panalo para okupahan ang ikatlong puwesto sa Shakey’s V-League Season 11 Third Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City
Tinalo ng PLDT ang Meralco sa limang sets, 25-21, 21-25, 20-25, 25-20, 15-11, sa women’s division habang namayani ang FEU sa RTU, 30-28, 21-25, 25-16, 25-23, sa men’s division tungo sa mahalagang 1-0 kalamangan sa best-of-three series sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng Shakey’s.
Gumawa ng 19 kills tungo sa 21 puntos si Sue Roces at siya ang nagpakawala ng matitinding kills sa ikalimang sets para maisantabi ang naunang malakas na panimula ng Power Spikers.
Itinabla ni Roces ang laro sa 5-5 bago nakipagtulungan kay Gretchel Soltones para kunin ang 12-9 kalamangan.
Idinikit ng Meralco ang iskor sa isang puntos, 12-11 sa atake ni Maureen Penetrante-Ouano pero naroroon uli si Roces bago nagtala ng attack error si Thai import Wanida Kotruang tungo sa match point. Natapos ang laro sa service ace ni Angela Benting.
Tumipa si Soltones ng 23 puntos, mula sa 20 kills at tatlong blocks, at may 12 digs pa habang sina Laurence Ann Latigay at Benting ay nagsanib sa 16 hits.
Ang liberong si Lizlee Ann Pantone ay may 27 digs at may 14 excellent receptions.
Namuno sa Meralco si Aby Maraño sa kanyang 20 hits habang si Kotruang ay gumawa ng 16 kills tungo sa 18 hits. Ngunit inatake ng cramps si Kotruang at hindi na nakatulong sa huling set para manatiling walang panalo ang Power Spikers matapos ang pitong laro sa ligang suportado rin ng Accel at Mikasa.
Nagtrabaho ang mga inaasahang manlalaro ng Tamaraws na sina Greg Dolor, Joshua Barrca, Jeric Gacutan at Lucky Margante upang maisantabi ang hamon ng Blue Thunders.
Sina Dolor at Barrica ay may tig-18 hits at nasama sa 31 kills para bigyan ang FEU ng 54-43 kalamangan sa nasabing departamento.
May 12 puntos si Gacu tan, 10 ang naihatid ni Margante habang si Franco Camcam na naglaro lamang sa ikatlo at ikaapat na sets ay may 9 puntos, tatlo rito ay aces para tulungan ang FEU sa 9-2 bentahe sa serve.
- Latest