^

PSN Palaro

Azkals, Vietnam mabigat na kalaban sa Suzuki Cup

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ikinukunsidera ni In­do­­nesian coach Alfred Riedl ang Philippine Az­kals bilang matinding ka­ri­bal kasama ang host Vie­t­nam sa Group A ng Asean Football Federation (AFF) Suzuki Cup na nakatakda sa Nobyembre 22-28 sa Hanoi.

Pinaboran ni Riedl ang Vietnamese sa labanan para sa Top 2 sa kanilang bracket kasama ang Azkals at Indonesia, habang itinuturing namang darkhorse ang qualifier Laos.

“In my eyes, Vietnam are the favorites in the group because they have home advantage, and then I believe that either Indonesia or Philippines will make it through to the semis,” sabi ni Riedl sa AFF Suzuki Cup’s website.

Sinabi pa ni Riedl na nasusundan niya ang mga Azkals sa ilalim ni coach Thomas Dooley.

“The Philippines have a new coach (Thomas Doo­­ley) and so many good players coming from abroad with very physical tactics that will make it difficult for us,” wika pa ng Austrian mentor.

Idinagdag pa niyang hindi rin dapat balewalain ang Laotians, ang runner-up sa qualifying tournament.

Nagtala ang Azkals ng 3-0 win laban sa Nepal sa kanilang friendly match sa Doha, Qatar noong Biyer­nes.

Nakatakda nilang labanan ang Thailand sa Nakhon Ratchasima sa Nov. 9 at ang host Camdodia sa Nov. 14 sa Rizal Memorial bilang pagha­handa sa Suzuki Cup. (OL)

 

 

ALFRED RIEDL

ASEAN FOOTBALL FEDERATION

AZKALS

GROUP A

NAKHON RATCHASIMA

PHILIPPINE AZ

RIEDL

SHY

SUZUKI CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with