^

PSN Palaro

2 Pinoy riders sumikwat ng bronze sa AMB championships

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinatunayan ng mga batang riders na sina John Derick Farr at Arianne Dormitorio na karapat-dapat silang masama sa Pambansang koponan na lu­ma­laban sa Asian Mountain Bike Championships sa Lubuk Linggau, Indonesia nang humakot ang dalawa ng bronze medals kahapon.

Elite competition ang ka­rerang sinalihan ng 18-anyos na si Farr na hindi kinabahan bagkus ay lumabas pa ang tapang nito sa aktuwal na karera para makagawa ng kasay­sayan sa kompetisyon.

Si Farr ay kumarera sa Downhill Elite at puma­ngalawa sa seeding run noong Sabado pero sa aktuwal na kompetisyon ay nakontento sa pangatlong puwesto sa dalawang minuto at 29.12 segundo.

Si Suebsakun Suk-Chanya ng Thailand ang kumuha ng ginto sa 2:27.38 habang ang Japan bet na si  Kazuki Shimzu ang puma­ngalawa sa 2:28.85 oras.

Lalabas si Farr bilang kauna-unahang Filipino mountain biker na nanalo ng medalya sa naturang Asian Championships.

Hindi nagpahuli si Dormitorio na may 1:07.50 oras sa women junior final.

Ang Thailand at Japan din ang kumuha sa ginto at pilak sa katauhan nina Warinothorn Phetpraphan (1:04.35) at Takaho Nakashima (1:05.39).

May tsansa pa ang Pilipinas na madagdagan ang medalyang iuuwi dahil kakampanya pa si Niño Surban sa Elite Cross Country.

Ang pagsali ng Pambansang koponan ay suportado ng Philippine Sports Commission (PSC). (AT)

ANG THAILAND

ARIANNE DORMITORIO

ASIAN CHAMPIONSHIPS

ASIAN MOUNTAIN BIKE CHAMPIONSHIPS

DOWNHILL ELITE

ELITE CROSS COUNTRY

FARR

JOHN DERICK FARR

KAZUKI SHIMZU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with