^

PSN Palaro

Cagayan, Systema tanaw na ang titulo

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dinungisan ng Caga­yan Valley Lady Rising Suns ang mataas na pag­tingin sa Army Lady Troo­pers sa inangking 25-20, 20-25, 25-21, 25-18, panalo sa pagsisimula ng Shakey’s V-League Season 11 Third Conference Finals kagabi sa The Arena sa San Juan City.

May 33 excellent sets si Relea Ferina Saet at hindi siya nagkaproblema sa pag­papatakbo sa opensa ng Cagayan dahil gumana ang laro ng mga imports at mga locals para wakasan ang anim na sunod na pa­nalo ng Lady Troopers.

Higit dito, ang Cagayan ay mangangailangan na lamang na manalo pa sa da­rating na Linggo (Nob­yembre 9) para kila­laning kampeon sa ligang inorga­nisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

Si Wenneth Eulalio ang panorpresa ni coach Nestor Pamilar sa ikatlong sets nang naghatid siya ng mga krusyal na puntos  at magandang depensa para ibalik sa koponan ang momentum.

Nauna rito, tinapos ng Systema Active Sma­shers ang pag­dodomina sa kanila ng Instituto Estetico Manila Volley Masters nang bumangon mula sa 0-2 panimula tungo sa 21-25, 23-25, 25-19, 25-23, 16-14, tagumpay sa men’s Finals.

Sinandalan ng Systema ang lakas ni Sylvester Honrade at ang krusyal na service ace ni Angelo Espiritu para kunin ang 1-0 kalamangan sa best-of-three championship series.

Samantala, kinilala rin ng liga ang mga mahuhusay na manlalaro na nasilayan sa conference at sina Jeffrey Jimenez ng IEM at Aiza Maizo-Pontillas ng Cagayan Valley ang kinilalang MVP ng liga.

Ang iba pang nakakuha ng individual awards ay sina Salvador Depante at Maizo-Pontillas (Best Sco­rer), Jimenez at Jovelyn Gonzaga (Best Spikers), Honrade at Aby Marano (Best Blockers), Joshua Barrica at Chi Saet (Best Servers), Renz Ordonez at Ruby De Leon (Best Setters), at Rikko Marmeto at Shiela Pineda (Best Recei­vers).

vuukle comment

ABY MARANO

AIZA MAIZO-PONTILLAS

ANGELO ESPIRITU

ARMY LADY TROO

BEST

BEST BLOCKERS

BEST RECEI

BEST SCO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with