^

PSN Palaro

Algieri hinubaran ng titulo dahil sa paglaban kay Pacquiao

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa paghahamon ni Chris Algieri sa welterweight crown ni Manny Pacquiao ay inihayag kahapon ng World Boxing Organization (WBO) ang pagbakante sa light welterweight title ng American.

Ito ang naging desisyon ng boxing body sa isinagawang 27th WBO Convention sa Las Vegas, Nevada.

Lubha naman itong ikinagulat ng promotional team ni Algieri na sina Artie Pelullo ng Banner Promotions at Joe DeGuardia ng Star Boxing.

“From what we just found out, Chris won’t be able to keep his title because he’s going to be competing above the Junior Welterweight limit on November 22 against Manny Pacquiao,” wika ng Philadelphia based fight promoter na si Pelullo.

“This was news to both myself and my partner Joe DeGuardia. I think Joe has plans to deal with this issue concerning Chris and WBO,” dagdag pa nito.

Hahamunin ni Algieri si Pacquiao para sa hawak nitong WBO welterweight crown sa catchweight na 144 pounds sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.

Ang WBO light welterweight title ni Algieri ang kanyang nakamit matapos talunin ang dating kampeong si Ruslan Provodnikov via split decision noong Hunyo.

Ang naturang tagumpay ang nagbigay sa 5-foot-10 na si Algieri ng pagkakataong labanan ang 5’6 na si Pacquiao.

“We were stunned when we heard the news,” wika ng licensed New York attorney na si DeGuardia. “We’re going to have to get this cleared up. Because it was my understanding that this fight wouldn’t affect Chris’ championship status at Junior Welterweight.”

Sinabi nina Pelullo at DeGuardia na lilinawin nila ang naturang desisyon ng WBO sa pangulo nitong si Francisco Valcarcel.

ALGIERI

ARTIE PELULLO

BANNER PROMOTIONS

CHRIS

CHRIS ALGIERI

FRANCISCO VALCARCEL

JUNIOR WELTERWEIGHT

LAS VEGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with