Hobe-JVS umiskor sa Supremo sa DELeague
Mga Laro sa Martes
(Marikina
Sports Center)
7 p.m. Uratex Foam
vs Supremo Lex Builders-OLFU
8:30 p.m. FEU-NRMF
vs Sea Lions
MANILA, Philippines - Giniba ng nagdedepensang Hobe-JVS ang Supremo Lex Builders-OLFU, 87-79, para mapanatili ang liderato sa Group A ng 4th DELeague Invitational Basketball Tournament sa Marikina Sports Center, Marikina City noong Huwebes ng gabi.
Matapos ang jumper ni Adrian Alban na nagtabla sa Supremo sa 79-79 sa 3:49 minuto sa laro ay hinigpitan ng Hobe-JVC ang depensa para hindi makaiskor ang koponang binubuo ng Our Lady of Fatima University varsity team.
Si Teng Reyes ay umiskor ng 13 points at si Mike Warnest ay nagtala ng 12 markers, 5 rebounds at 3 shot blocks para sa Hobe na may 2-0 kartada.
Ang Supremo Lex Builders-OLFU ay pinangunahan ni Paul Pineda na may 15 points kasunod ang 11 ni Gong Flores.
Sa ikalawang laro ng ligang itinataguyod ni Marikina Mayor Del De Guzman at sinusuportahan ng PCA Marivalley, St. Anthony Hospital, PS Bank Blue Wave Marquinton Branch, Luyong Restaurant Concepcion, Mckie’s Equipment Sales and Rental at Tutor 911 ay tinambakan ng Siargao Legends ang MBL Selection, 111-63.
Umiskor ng 16 points si CJ Perez, habang may 15 markers at 6 rebounds ang import ng University of the East Red Warriors na si Charles Mammie para sa Siargao Legends na may 2-0 record.
Kapwa naman umiskor ng 11 points sina Mike Ayonayan at Francis Sison para sa MBL Selection.
Magbabalik ang liga sa Nobyembre 4 kung saan magtatapat ang Uratex Foam at Supremo Lex Builders-OLFU sa unang laro at ang FEU-NRMF kontra Sealions sa ikalawang laban.
Para sa resulta ng mga laro ay maaaring bisitahin ang www.sports29.com o ang facebook page ng DELeague.
Ang ticket ay P10.
- Latest