NSAs pinaghahanda ng POC para sa 2015 SEA Games
MANILA, Philippines - Ngayon pa lamang ay pinaghahanda na ng Philippine Olympic Committee (POC) ang mga National Sports Associations (NSAs) para sa 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa susunod na taon.
Hinikayat kahapon ni POC president Jose Cojuangco ang mga NSAs na magsagawa ng scouting sa kanilang mga makakalaban sa 2015 Singapore SEA Games.
“When they come up with the list of their athletes going to Singapore, we want them to also come up with the list of their potential opponents,” wika ni Cojuangco.
Idinagdag ng POC chief na may mga pagkakataon na hindi alam ng Filipino athlete ang kanilang mga makakatapat sa isang event.
“They must know their opponents well,” sabi ni Cojuangco.
Sinabi naman ni chef-de-mission Julian Camacho ng wushu federation na may kabuuang 36 sports at 402 events na nakahanay sa 2015 Singapore SEA Games.
Hangad ng bansa na mapaganda ang tinapos na pang-pitong puwesto sa nakaraang biennial event na idinaos sa Myanmar noong 2013.
“If we climb two or three notches higher we will be happy. We can even think of winning the overall title. Why not? We must aim high,” wika ni Camacho.
- Latest