^

PSN Palaro

Reyes tanggap ang pagkakasibak sa kanya sa Gilas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinanggap nang maluwag ni Chot Reyes ang pag­kakasibak sa kanya ni Sa­mahang Basketbol ng Pilipinas president Manny V. Pangilinan bilang head coach ng Gilas Pilipinas.

“I fully support the process. Tama naman ‘yun, la­hat ng programa at the end of it kailangan i-eva­luate, kailangan i-assess ka­si that’s how a program develops,” wika ni Reyes sa panayam sa kanya ni Jes­sica Soho sa progra­mang ‘State of the Nation’ kamakalawa ng gabi.

Sa kanilang board mee­­­ting noong Martes ay nag­desisyon ang SBP Board na bumuo ng isang screening-selection committee para sa paghahanap ng bagong head coach ng Gilas Pilipinas at ng mga mi­yembro ng national pool.

Bagama’t hindi direktang inihayag ang pagkaka­tanggal kay Reyes at ang pagkakabuwag sa Gilas P­ilipinas, malinaw ang ka­gus­tuhan ni Pangilinan na humanap ng mga bagong bubuo sa Nationals.

“As to whether I will continue to be the Gilas coach or not depends on the SBP Board under whose mandate I have served since being appointed as Head Coach since 2012,” wika ni Reyes.

Ilan sa mga inaasa­hang magiging kandidato para sa top post sa Gilas Pilipinas ay sina Tim Cone ng Purefoods, Yeng Guiao ng Rain or Shine, Norman Black ng Meralco at Jong Uichico ng Talk ‘N Text.

Ang apat ay may mga eksperyensa na sa pamamahala sa national team.

Ngunit ayon kay SBP exe­cutive director Sonny Barrios, maaari pa ring maikunsidera si Reyes bilang coach ng Gilas Pilipinas.

“I continue to serve at their mandate. Kung gusto pa nila, OK. Kung ayaw nila, OK din,” wika ni Reyes.

Magbabalangkas ang screening-selection committee ng “short list” ng mga kandidato para sa coaching job sa Gilas Pilipinas.

Ito ay kanilang isusu­mi­te sa SBP Executive Committee na binubuo ng SBP chairman, president, vice chairman, vice president at exe­cutive director.

Ang dalawa sa mga torneo na tinatarget salihan ng SBP sa 2015 ay ang 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa Hunyo at ang 28th FIBA-Asia Championship sa China sa Agosto na magsisilbing regional qua­lifier ng Rio de Janeiro Olympic Games sa 2016.

ASIA CHAMPIONSHIP

CHOT REYES

EXECUTIVE COMMITTEE

GILAS

GILAS P

GILAS PILIPINAS

HEAD COACH

REYES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with