^

PSN Palaro

Team GenTri bumandera sa 2014 WCSU

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakamit muli ng Team GenTri ni General Trias Mayor An­tonio ‘Ony’ Ferrer ang overall crown para sa ika-14 su­nod na taon sa Grade School (GS) Division at ika-pitong dikit sa High School (HS) Division sa West Cavite Sports Unit (WCSU) 2014 meet na ginanap sa Trece Martires City.

Nakakolekta ang Team General Trias ng 137 gold me­dals para tanghaling overall champion sa GS Division, habang sumegunda ang Trece Martires City na nakakuha ng 36 kasunod ang Coastal town Tanza nagkamit ng 26.

Ang High School GenTri ay nagdomina mula sa ka­nilang 179 gintong medalya kasunod ang Team Tanza na may 40 at ang  Trece Martires City na may 20.

Ang ‘Galing Gentri’ Team ang may hawak ng titulo si­mula noong 2001 sa GS division at ang HS division na­man ay nagdodomina noon pang 2008 sa panahon ni Mayor Luis Ferrer IV, ngayon ay Cavite 6th District Representative.

Ang Team GenTri ay nagdomina sa athletics, basketball, baseball, softball, football, taekwondo, lawn tennis, table tennis, arnis, swimming at volleyball, ayon kay Vice Ma­yor Morit Sison.

Sa Carmona, Cavite, tinanghal na overall champion ang Team Carmona ni Mayor Dahlia Loyola sa ginanap na East Cavite Sports Unit (ECSU) Meet 2014 kamakailan na nilahukan ng mga elementary schools sa Carmona, Silang at General Mariano Alvarez Cavite.

ANG HIGH SCHOOL

ANG TEAM

CAVITE

DISTRICT REPRESENTATIVE

EAST CAVITE SPORTS UNIT

GALING GENTRI

GENERAL MARIANO ALVAREZ CAVITE

GENERAL TRIAS MAYOR AN

TRECE MARTIRES CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with