^

PSN Palaro

PTA hangad ang hosting ng Asian Olympic Qualifying

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lalakas ang paghahabol ng national taekwondo jins para sa puwesto sa Rio Olympic Games sa 2016.

Ito ay kung maipagkakaloob sa Pilipinas ang karapatang isagawa sa bansa ang Asian Olympic Qualifying Tournament na nakakalendaryo sa 2015.

Ibinunyag ni Philippine Taekwondo Association (PTA) secretary-general Monsour Del Rosario na nagbi-bid ang Pilipinas na makuha ang Olympic qualifying hosting na kung ibibigay ay unang pagkakataon na mangyayari sa kasasayan ng taekwondo sa bansa.

Ang vice president ng PTA na si Sung Chon Hong ang nag-abiso sa Asian Taekwondo Federation ng pagnanais na sa bansa isagawa ang prestihiyosong torneo matapos su­mali ang bansa sa Asian Games sa Incheon, Korea.

“Sa nakita ko sa panliligaw sa ibang bansa ay masasabi kong 80% ay tayo na ang host,” wika ni Del Rosario.

Si Hong ay nasa Manchester, England para saksihan ang World Taekwondo Grand Prix. 

Sa nasabing kompetisyon isinalang ang electronic head gear na inaasahang maglilimita sa human error sa judging para mas maging patas ang resulta ng mga la­ban.

Sa pagbabalik ni Hong ay malalaman ang estado ng hosting ng bansa.

Walong weight divisions lamang ang pinaglalabanan sa Olympics at ang mga ito ay -58kg, -68kg, -80kg at +80kg sa kalalakihan at -49kg, -57kg, -67kg at +67kg sa kababaihan.

Mahalaga sa Pilipinas ang hosting dahil noong 2012 ay walang kinatawan ang bansa sa London Olympics nang walang nakalusot sa qualifying tournament.

ASIAN GAMES

ASIAN OLYMPIC QUALIFYING TOURNAMENT

ASIAN TAEKWONDO FEDERATION

BANSA

DEL ROSARIO

LONDON OLYMPICS

MONSOUR DEL ROSARIO

PHILIPPINE TAEKWONDO ASSOCIATION

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with