Farenas-Pedraza fight posibleng mag-level up
MANILA, Philippines - May maliit na tsansang maitaas sa isang championship fight ang IBF super featherweight title eliminator nina Michael Farenas at Jose Pedraza sa Puerto Rico sa Nov. 14.
Sinabi ng manager ni Farenas na si Gerry Peñalosa na matutupad ito kung bibitawan ni IBF champion Rances Barthelemy ng Cuba ang kanyang korona para umakyat ng weight division.
“There’s some speculation but if Barthelemy decides to vacate, we also don’t know if the IBF will automatically declare the winner of Michael’s fight against Pedraza the new champion,” wika ni Peñalosa.
Sinabi pa ni Peñalosa na mas mahirap labanan si Pedraza kumpara sa Cuban.
“I think Barthelemy is easier to beat than Pedraza,” wika ni Peñalosa.
Ang 25-anyos na si Pedraza ay umabot sa second round ng 2008 Olympics.
Kinuha niya ang bronze medal sa World Cup sa Moscow noong 2008 at pinitas ang silver medal sa AIBA World Championships sa Milan sa sumunod na taon.
“Pedraza likes to hit and run,” ani Peñalosa.
Ang 30-anyos na si Farenas ay No. 2 at No. 3 naman si Pedraza sa IBF.
Ang No. 1 slot ay bakante. (QHenson)
- Latest