^

PSN Palaro

Do-or-Die sa Red Cubs, Red Robins

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Mall of Asia Arena,

Pasay City)

2:30 p.m.  San Beda

vs Mapua (Game 3 Jrs)

 

MANILA, Philippines - Matapos ang kanilang seniors team, ang San Beda Red Cubs naman ang magtatangka na gumawa ng kasaysayan sa 90th NCAA juniors basketball na matatapos ngayong hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa alas-2:30 ng hapon itinakda ang do-or-die game  sa hanay ng Red Cubs at Mapua Red Robins at ang magwawagi ang kikilalaning kampeon ng liga.

Nauwi sa isa’t-isa ang best-of-three series nang nanaig ang Red Cubs sa Red Robins, 78-68, noong nakaraang Miyerkules sa nasabing venue.

Dahil puno ng pressure ang ganitong klaseng labanan kaya’t napapabor sa Red Cubs ang tagisan bilang isang five-time defending champions.

Pero ang pagkagutom ng Red Robins na makatikim uli ng titulo sa liga ang magtutulak sa bawat manlalaro na kayanin ang matinding hamon.

Huling nagkampeon ang Mapua sa juniors ay noon pang 2000.

Dagdag interest sa laban ay ang katotohanan na ang San Beda at Mapua ay parehong nakapagtala na ng 5-peat sa liga at balak ng Red Robins na pigilan ang makasaysayang pagtatapos ng Cubs.

Ang San Beda ay nagdiriwang pa sa matagum­pay na kampanya sa seniors divison nang ang Red Lions  ay nakalimang sunod na kampeonato matapos ang 2-0 sweep sa Arellano Chiefs. (AT)

vuukle comment

ANG SAN BEDA

ARELLANO CHIEFS

LARO NGAYON

MALL OF ASIA ARENA

MAPUA

PASAY CITY

RED

RED CUBS

RED ROBINS

SAN BEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with