^

PSN Palaro

Sta. Lucia Land dinurog ang Kawasaki-Marikina

Pilipino Star Ngayon

Laro sa Martes

(Marikina Sport Center)

7pm MBL Selection

vs  Sealions

8:30pm Cars Unlimited

vs Team Mercenary

 

MANILA, Philippines - Magarang panimula ang ginawa ng Sta. Lucia Land sa DELeague Invita­tional Basketball Tournament nang kanilang ilampaso ang Kawasaki-Marikina, 81-52, noong Huwebes ng gabi sa Marikina Sports Center, Marikina City.

Gumawa ng 18 puntos at pitong rebound si Ri­chard Smith at nagdagdag naman ng 12 puntos at limang rebound ni Jun Gabriel para sa Sta. Lucia na binigo ng two-time defending champion Hobe Bihon sa una nitong laro noong Linggo.

Umiskor naman ng  14 puntos si Ronald Roy habang si Sydney Onyunbere ay may walong puntos at pitong rebound para sa Kawasaki na nalaglag sa 0-2 karta.

Dinurog din ng Uratex Foam and Philippine National Police, 90-71, sa isa pang laro sa ligang  itinataguyod ni Marikina Mayor Del De Guzman at sinusuportahan din ng PCA Marivalley, St. Anthony Hospital, PS Bank Blue Wave Marquinton Branch, Luyong Restaurant Concepcion, Mckie’s Equipment Sales and Rental, Tutor 911, at Toyota Motors Marikina.

Si Von Pambeling  ay may 21 puntos at siyam na rebounds at si Felix Africu ay gumawa ng  apat na puntos at 17 rebounds para pangunahan ang Uratex sa una nitong panalo.

Para sa resulta ng mga laro maaaring bisitahin ang www.sports29.com o ang facebook page ng DELeague.

BANK BLUE WAVE MARQUINTON BRANCH

BASKETBALL TOURNAMENT

CARS UNLIMITED

EQUIPMENT SALES AND RENTAL

FELIX AFRICU

HOBE BIHON

JUN GABRIEL

LUCIA LAND

LUYONG RESTAURANT CONCEPCION

MARIKINA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with