NCR naka-pokus sa Grand Slam sa Milo Little Olympics
MANILA, Philippines - Hangad ng National Capital Region ang Grand Slam na siyang pipiliting pigilan ng Visayas at Mindanao sa 2014 MILO Little Olympics National Finals na pakakawalan ngayon sa Marikina Sports Complex sa Marikina City.
Nagkampeon ang Team NCR sa MILO Little Olympics noong 2012 at 2013 at puntiryang makamit ang kanilang pangatlong sunod na overall crown at ang Perpetual Trophy.
Ang nasabing tropeo ay unang nakuha ng Visayas matapos magdomina noong 2009, 2010 at 2011.
Tiniyak ni MILO Sports Executive Robbie de Vera na pawang mga ‘top of the line’ equipment ang gagamitin ng mga student-athletes mula sa elementary hanggang high school level sa National Finals.
Kabuuang 13 sports events ang paglalabanan sa naturang kompetisyon na suportado ng Wilson, Mikasa, Molten, Butterfly, Marathon, Smart at 2Go Travel.
Ang mga ito ay ang athletics, badminton, basketball, chess, football, gymnastics, scrabble, sepak takraw, swimming, taekwondo, lawn tennis, table tennis at volleyball.
- Latest