2014 PBA Philipine Cup mainit na debut sa Sorento, Gin Kings
MANILA, Philippines – Umiskor ng magkahiwalay na panalo ang Barangay Ginebra at ang Kia Motors sa pagsisimula ng 2014 PBA Philippine Cup kagabi sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Pinatumba ng Gin Kings ang Talk ‘N Text Tropang Texters, 101-81, habang giniba ng Sorento ang Blackwater Elite, 80-66, para sa kanilang 1-0 record.
Natupad ng 35-anyos at 5-foot-6 na si Pacquiao ang kanyang pinapangarap na makapaglaro sa PBA, ngunit kinailangan ang tulong ni LA Revilla para makamit ang una niyang panalo bilang playing coach ng Sorento.
Ilang minuto lamang naglaro ang Filipino world eight-division champion sa first quarter at tumapos na may 2 turnovers at 1 foul, ngunit nakakuha ng career-high na 23 points kay Revilla.
“Malaking bagay ‘yung ginawa ni LA tonight,” sabi ni Pacquiao sa dating La Salle Green Archer. “Hindi baleng hindi ako makapaglaro basta laging mananalo ang Kia.”
Umiskor si Revilla, nagmula sa Globalport, ng 14 points sa third period kung saan bumangon ang Kia mula sa 13-point deficit sa Blackwater para kunin ang 61-51 bentahe sa fourth quarter.
KIA 80 - Revilla 23, Thiele 13, Cervantes 13, Lingganay 11, Saldua 7, Alvarez 4, Sanga 3, Webb 2, Padilla 2, Buensuceso 1, Ighalo 1, Alonzo 0, Pacquiao 0, Raymundo 0.
Blackwater 66 - Tiongson 10, Erram 10, Faundo 6, Nuyles 6, Menor 6, Cawaling 6, Artadi 6, Salvacion 6, Ballesteros 4, Rodriguez 2, Laure 2, Austria 2, Timberlake 0, Gamalinda 0.
Quarterscores: 12-21; 25-34; 63-51; 80-66.
Ginebra 101 - Aguilar 18, Slaughter 16, Baracael 16, Caguioa 12, Helterbrand 10, Mamaril 8, Yeo 7, Ellis 6, Tenorio 4, Brondial 4, Monfort 0, Forrester 0, Reyes 0.
Talk ‘N Text 81 - Williams 20, Castro 19, Alas 10, Fonacier 9, Ganuelas 9, Carey 4, Seigle 4, Reyes Ryan 3, Reyes Rob 3, Washington 0, Aban 0, Labagala 0.
Quarterscores: 19-18, 45-41, 70-62, 101-81.
- Latest