^

PSN Palaro

Simula na ang aksyon sa DELeague

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Marikina Sports Center)

4 p.m. Opening Ceremony

5 p.m. Kawasaki-Marikina vs Supremo Builders-Our Lady of Fatima University

7 p.m. Hobe Bihon vs Sta. Lucia Land

MANILA, Philippines - Apat na laro ang magbibigay-sigla sa pagbubukas ng ikaapat na season ng DELeague basketball tournament ngayon  sa Ma­­rikina Sports Center.

Umabot sa 12 koponan ang sumali sa torneo na itinataguyod ni Marikina Mayor Del De Guzman  at katatampukan din ng mga dating PBA players at collegiate stars ng UAAP at NCAA.

“Sa tatlong taon ng DELeague ay marami ta­yong nasaksihang magagandang laro. Ngayong nasa ikaapat na taon na ang liga, inaasahang mas magagan­dang laban pa ang ating masasaksihan,” ani Mayor Del De Guzman.

Ang season 4 ay lalahukan ng 12 teams na kinabibilangan ng two-time defending champion Hobe Bihon, ang kauna-una­hang kampeon ng liga na Sta. Lucia Land; Siargao Legends, FEU-NMRF, Kawasaki-Marikina, Uratex Foam, MBL Selection, Philippine National Police, Cars Unlimited, Sealions, Team Mercenary, at Supremo Builders-Our Lady of Fatima University.

Sa opening ceremony sa alas-4 ng hapon ay magkakaroon ng patimpalak para sa Best Muse na ang mananalo ay mag­kakamit ng premyong P3,000 mula sa Luyong Restaurant Concepcion.

Sa unang laro ay mag­la­laban ang Kawasaki-Marikina at Supremo Buil­ders-Our Lady of Fatima University at sa ikalawang laro ay magtatapat ang Hobe Bihon at Sta. Lucia Land.

 

vuukle comment

BEST MUSE

CARS UNLIMITED

HOBE BIHON

KAWASAKI-MARIKINA

LARO NGAYON

LUCIA LAND

LUYONG RESTAURANT CONCEPCION

SHY

SUPREMO BUILDERS-OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with