Kiefer Ravena lalaro sa Masskara Festival
MANILA, Philippines - Pangungunahan ni UAAP MVP Kiefer Ravena ang isang basketball exhibition game na gaganapin ngayong alas-4 ng hapon sa La Salle Gym sa Bacolod City na kasabay sa pagdiriwang ng Masskara Festival.
Ang proyektong ito ay inihatid ng MJM Production ni Edgar Mangahas at ang beneficiary ay ang Kasadya Foundation Inc, sa pakikipagtulungan ng Star Magic ng ABS CBN.
Kabilang sa mga artistang darating ay sina Enrique Gil, JC De Vera, Rayver Cruz, Jason Abalos. Young JV , Aaron Villaflor, EJ Falcon Matt Evans, at Dominic Roque.
Samantalang ang mga college players na lalaro ay pangungunahan ni Ravena kasama sina Gelo Alolino, Rayray Parks, Mark Belo, Mike Tolomia, Pao Javelona, Roi Sumang, Glenn Khobuntin at Jonathan Grey.
Sabi ni Edgar, na siya ring team owner ng MJM Builders na isa sa mga kasaling teams sa D-League ngayong darating na conference, naging taunang pagtatanghal na ito ng kanyang production company sa Bacolod tuwing sasapit ang Masskara festival.
- Latest