^

PSN Palaro

Donaire delikado kay Walters - Arum

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

MANHATTAN BEACH, California--Tiningnan ni  Nonito Donaire Jr. si Nicholas Walters na nakaupo sa kabilang gilid ng head table sa kanilang final press conference sa Marriott Hotel dito.

Nang si Donaire na ang nagsalita sa microphone, tumagal lamang ito ng 30 segundo at nang magharap sila ni Walters para kunan ng larawan ay walang sinabi ang Filipino boxer.

“What I’ve learned in this training (camp) is that what needs to be done, what words need to be said will be said inside the ring,” sabi ni Donaire. “I usually talk all day about what I’m going do with this and that.”

“It’s a very dangerous fight for Donaire,” sabi naman ni Top Rank chief Bob Arum, ang co-promoter sa nasabing boxing card sa StubHub Center sa Carson bukas (Manila time).

Idedepensa ni Gennady Golovkin ang kanyang mga suot na WBA at IBO middleweight crown kontra kay Marco Antonio Rubio ng Mexico sa main event.

Sa press conference ay naupo si Arum sa kaliwang gilid ng lamesa, habang nasa centerstage ang mga promoters ng main event.

Karamihan sa mga tao ay naniniwalang ang Donaire vs Walters matchup ang magiging ‘fight of the night’.

Sinabi naman ni Arum na ito ay dapat maging “one of the greatest battles in featherweight championship history.”

Ang official weigh-in ay gagawin ngayon sa StubHub Center, at hindi ito pinoproblema ni Donaire dahil tumimbang na siya ng 130 pounds na sobra lamang ng apat na libra sa weight limit.

Matapos matalo kay Gui­llermo Rigondeaux no­ong 2013 ay nahirapang manalo si Donaire kina Vic Darchinyan at Simpiwe Vet­yeka para makuha ang WBA featherweight crown, ang kanyang ikaapat na world title sa apat na magkakaibang weight classes.

Bukas ay kailangang talunin ni Donaire si  Walters, isang undefeated boxer at kilalang knockout artist mula sa Jamaica.

“It is a very dangerous fight. Nicholas Walters is a tremendous puncher. He presents a big, big challenge for Nonito but Nonito was up to the challenge and wanted a fighter,” sabi pa ni Arum.

Kung mananalo si Do­naire ay maaari niyang ha­munin si WBO feather­weight king Vasily Loma­chenko.

Sinabi ni Arum na si Donaire ay may kontrata pa sa Top Rank hanggang sa katapusan ng 2016.

Idinagdag pa niyang walang rematch clause sa kontrata sina Donaire at Walters.

BOB ARUM

DONAIRE

GENNADY GOLOVKIN

MARCO ANTONIO RUBIO

MARRIOTT HOTEL

NICHOLAS WALTERS

NONITO

NONITO DONAIRE JR.

TOP RANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with