90TH NCAA Men’s basketball Lions, Chiefs sinelyuhan ang titular showdown
Laro sa Lunes
4 p.m. San Beda
vs Arellano (Game One)
MANILA, Philippines - Pinangatawanan ng San Beda Red Lions at Arellano Chiefs ang kanilang pagiging 1-2 sa 90th NCAA men’s basketball nang pareho silang nagwagi sa mga katunggali sa Final Four kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Maagang nagtrabaho ang mga manlalaro ng Red Lions para hawakan ang 22-7 panimula at hindi na nila nilingon ang Perpetual Help Altas tungo sa 81-75 panalo.
Sina Anthony Semerad, Baser Amer, Ola Adeogun at Arthur dela Cruz ay tumipa sa doble-pigura at nagsanib sa 59 puntos para pumasok sa championship ang San Beda sa ikasiyam na sunod na taon.
Tig-20 ang ginawa nina Earl Scottie Thompson at Juneric Baloria at 14 at 11 ang ibinigay nina Harold Arboleda at Justine Alano para sa Altas na nahirapang umahon sa 26 puntos pagkakalubog upang matalo sa Lions sa semifinals sa ikatlong sunod na taon.
Sinandalan naman ng Chiefs ang krusyal na run sa huling mga minuto ng laro para patalsikin ang host Jose Rizal University Heavy Bombers, 72-65, sa ikalawang laro.
Pinalawig ng Chiefs ang makasaysayang kampanya sa liga dahil umabot sila sa championship sa unang pagkakataon sa limang taong pagsali sa NCAA.
Sina Levi Hernandez, Jiovani Jalalon at Keith Agovida ang nagtulung-tulong matapos kunin ng Bombers ang kalamangan, 63-62, sa magkasunod na triples ni Jaycee Asuncion upang lumapit din sa dalawang laro para kilalaning kampeon sa liga.
Isang 9-2 palitan ang iginanti ng Arellano na tinapos ng dunk ni Agovida para hindi na kailanganin ng Chiefs na masagad ang hawak na twice-to-beat advantage.
Ang championship ay gagawin sa isang best of three series at ang Game One ay magsisimula sa Lunes sa MOA. (AT)
San Beda 81 – A. Semerad 18, Amer 17, Adeogun 13, Mendoza 12, De La Cruz 11, Pascual 6, Koga 2, Tongco 2, Sara 0, Abude 0, D. Semerad 0.
Perpetual 75 – Thompson 20, Baloria 20, Arboleda 14, Alano 11, Dagangon 7, Oliveria 2, Jolangcob 1, Dizon 0, Ylagan 0, Bantayan 0, Gallardo 0.
Quarterscores: 22-7; 44-18; 55-44; 81-75
Arellano 72 – Holts 22, Hernandez 12, Jalalon 8, Caperal 8, Pinto 7, Agovida 7, Ciriacruz 4, Salcedo 2, Enriquez 2, Bangga 0, Gumaru 0, Cadavis 0.
Jose Rizal U 65 – Teodoro 19, Ascuncion 13, Mabulac 13, Abdulwahab 6, Benavides 5, Sanchez 4, Paniamogan 3, Lasquety 2, Salaveria 0, Grospe 0.
Quarterscores: 21-18; 36-31; 54-53; 72-65.
- Latest