^

PSN Palaro

Bergsma bagong kagigiliwan ng mga Pinoy volley fans

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matutunghayan ng mga volleyball fans ang mga naggagandahang foreign belles na maglalaro bilang imports sa anim na koponan sa women’s division ng 2014 Philippine Superliga Grand Prix na inihahandog ng Asics sa pagpapakilala sa kanila sa publiko ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Si Alaina Bergsma, ang Ms. Oregon 2012 at da­ting Ms. USA finalist, ang tiyak nang magiging crowd drawer para sa Petron Blaze Spikers.

Inihalintulad ang kanyang ganda sa retirado nang si Leila Barros ng Brazil na naglaro sa harap ng mga Filipino fans at nakatulong sa pagsigla ng volleyball sa bansa 10 taon na ang nakararaan.

Si Bergsma ay hindi lamang ganda ang ipapakita dahil siya ang gumiya sa University of Oregon volleyball team at isang All-American NCAA athlete.

Makakatuwang niya si Brazilian Erica Adachi para sa Petron Blaze Spikers na ang ‘never-say-die’ attitude sa court ang humirang sa kanila bilang crowd favorites.

Ang mga bagong koponang Mane and Tail Lady Stallions at Foton Tornadoes ay ipapakilala rin kasama ang mga ve­teran squads na Cignal, RC Cola at Generika sa pioneering club league na may basbas ng Asian Volleyball Confederation (AVC) at ng Philippine Volleyball Federation (PVF).

Ang PSL ay isa ring kinikilalang liga ng International Volleyball Federation (FIVB).

Ang bagong tropa sa men’s division na Cavite Patriots ay ipaparada rin katulad ng PLDT-Air Force, Cignal at Maybank.

Magsisimula ang mga labanan sa Philippine Su­perliga sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ay inorganisa ng SportsCore kasama ang  Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthway Medical, Jinling Sports at LGR bilang technical partners.

Ang opening day tickets ay makukuha sa ticketnet (www.ticketnet.com.ph) sa halagang P100 at P200.

Ang mga laro ay isasaere ng Solar Sports, ang official TV partner ng Superliga.

vuukle comment

AIR FORCE

ASIAN VOLLEYBALL CONFEDERATION

BRAZILIAN ERICA ADACHI

CAVITE PATRIOTS

CIGNAL

FOTON TORNADOES

HEALTHWAY MEDICAL

PETRON BLAZE SPIKERS

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with