Algieri handang-handa na kay Pacquiao
MANILA, Philippines – Kahit anim na linggo pa bago ang laban, ngayon pa lamang ay maaari nang isabak ang wala pang talong si Chris Algieri laban kay eight-division champion Manny Pacquiao, ayon sa trainer ng Amerikano.
“It’s great. He is right on point. He is in shape like usual. He is fast, strong. He is good to go,” wika ng trainer ni Algieri na si Keith Trimble kay Rich Mazon ng Philboxing.com.
Base sa ulat ay walang nagiging problema si Algieri sa kanyang pagpapakondisyon sa Bellmore Kickboxing Academy sa Long island, New York.
“He sparred three times. It is good. It is like we just left off from his last fight. After the first sparring session, his timing is there. He’s already getting there. He did six rounds each time with no problem. Like I said again, his conditioning is never an issue,” paliwanag ng trainer.
Samantala, naghahanda na rin si Pacquiao para sa kanyang laban sa General Santos City ngunit inaasahang maantala ito sa kanyang paglalaro sa opening ng PBA sa Linggo para sa kanyang koponan na KIA Sorentos, kung saan siya ay playing-coach.
Nakatakda ang laban ng dalawang boksingero sa Nobyembre 23 sa Cotai Arena ng The Venetian Hotel sa Macau.
- Latest