^

PSN Palaro

Cycling ‘di na ipipilit ni Tolentino na gawing priority sports kung...

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi na igigiit pa ni PhilCycling president Cavite Re­presentative Abraham “Bambol”  Tolentino ang pag­nanais na gawing prio­rity sport ang cycling kung BMX lamang ang balak suportahan ng Philippine Sports Commission (PSC).

Dumalo si Tolentino sa PSA Forum sa Shakey’s Malate para ibigay ang kanyang reaksyon matapos mapaulat na nais ng PSC na suportahan na lamang ang BMX na kung saan si Fil-Am Daniel Caluag ang nanalo ng gintong medalya sa Asian Games sa Incheon, Korea.

Nagulat si Tolentino sa pahayag na ito dahil ang ibang sports na nasa prio­0rity list ay suportado ang kanilang buong programa.

“Sa billards ba, 9-ball lang ang priority? Sa track and field, long jump lang?” banat ni Tolentino.

Idinagdag pa niya na kung performance ang criteria para masama sa listahan ay hindi rin padadaig ang cycling dahil sa SEA Games ay nanalo rin sila ng gold sa katauhan ni Mark Galedo sa ITT sa road race bukod sa BMX na hatid din ni Caluag.

Pinuna rin ni Tolentino na ang ibang sports na kasama ay hindi mga Olympic sports tulad ng pinamumunuang asosasyon.

Sakaling hindi pakinggan ng pamunuan ng PSC ang kanyang paliwanag ay hindi na niya ipipilit ito lalo pa’t nagawa nilang magbigay ng karangalan sa Pilipinas nang hindi kabilang sa priority list.

vuukle comment

ASIAN GAMES

BAMBOL

CALUAG

CAVITE RE

DUMALO

FIL-AM DANIEL CALUAG

MARK GALEDO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with