^

PSN Palaro

Patayan sa big dome! Tamaraws vs Bulldogs sa UAAP crown

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Siyam na taon na ang nakakalipas nang magkampeon ang mga Tamaraws, habang noong 1954 pa nakatikim ng korona ang mga Bulldogs.

Magtatapos ngayong hapon ang pagkauhaw ng isang koponan sa titulo sa Game Three ng 77th UAAP men’s basketball cham­pionship sa Smart Araneta Coliseum.

Maglalaban ang Far Eastern University at National University sa ganap na alas-4 ng hapon para basagin ang pagkakatabla sa kanilang best-of-three title series.

Umiskor ang Tamaraws ng 75-70 panalo sa Game One bago nakaresbak ang Bulldogs sa Game Two sa pagsagpang ng 62-47 tagumpay noong nakaraang Miyerkules sa Big Dome na dinumog ng 24,896 basketball fans.

Sa kabila ng kanilang pagtatabla sa serye sa 1-1 ay sinabihan ni head coach Eric Altamirano ang kanyang mga NU players na huwag magkumpiyansa laban sa FEU sa Game Three.

“Game Three is a diffe­rent ballgame. I always tell the boys that every game is different so don’t expect that it will be the same,” sabi ni Altamirano.

Sina Cameroonian import Alfred Roga, Gelo Alolino Glenn Khobuntin, Jeth Troy Rosario at Achie Iñigo ang muling magdadala sa Bulldogs.

Bagamat nabigong walisin ang NU sa kanilang serye ay kumpiyansa pa rin si mentor Nash Racela na makakamit ng FEU ang kanilang pang-20 UAAP crown.

“Ang maganda lang niyan both teams have equal chances in the final game,” wika ni Racela sa kanyang Tamaraws na huling naghari sa UAAP noong 2005.

Muling aasahan ng FEU sina Mike Tolomia, Mac Belo, Roger Pogoy at Carl Cruz para makabangon sa kabiguan sa Game Two at tuluyan nang wakasan ang kanilang pagkauhaw sa korona.

ACHIE I

ALFRED ROGA

BIG DOME

CARL CRUZ

ERIC ALTAMIRANO

GAME

GAME THREE

GAME TWO

TAMARAWS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with