^

PSN Palaro

PABA magpapasaklolo sa private sector

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lalapit ang bagong pa­munuan ng Philippine Ama­teur Baseball Association (PABA) sa private sector para tumulong sa gaganaping East Asia Baseball Championship sa bansa sa Disyembre.

Halagang P3 milyon ang kailangang mali­kom para matiyak ang ika­ta­tagumpay ng hosting ng bansa na naunang ibinigay ng Baseball Federation of Asia sa pagsisimula ng taon.

Mahalaga ang kom­pe­tis­yon dahil ang Pilipinas ang siyang nagdedepensang kampeon at mas ma­ganda na mapanatili ang dominasyon sa rehiyon sa sariling bansa.

“Handa kaming lumapit sa mga private sponsors para humingi ng tulong dahil sa kahalagahan ng torneo. Sa tingin naman ng PABA board ay kaya nating mairaos ang torneo,” wika ni Atty. Felipe Remollo na isa sa 15 board members ng asosasyon.

Hindi muna nagluklok ang PABA ng kanilang opisyales hangga’t hindi pa naisasaayos nang husto ang kanilang Constitution at By Laws na siyang nais ng Philippine Olympic Committee  (POC).

Pero para tumakbo ang asosasyon ay nagnombra sila ng mga tao para bumuo sa executive committee at kasama ni Remollo sina Norman Macasaet, Jose “Pepe” Munoz, Rich Cruz, Mike Ochosa at ang pamangkin ni POC president Jose “Peping” Cojuangco na si Martin Cojuangco

Ang beteranong si Ely Baradas ang siyang tinokahan para pangunahan ang paghahanda ng Pambansang koponan.

BASEBALL ASSOCIATION

BASEBALL FEDERATION OF ASIA

BY LAWS

EAST ASIA BASEBALL CHAMPIONSHIP

ELY BARADAS

FELIPE REMOLLO

MARTIN COJUANGCO

MIKE OCHOSA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
23 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with