^

PSN Palaro

Arboleda, Baloria kaya nang makipagsabayan sa pro loop

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinog na hinog na sina Juneric Baloria at Harold Arboleda ng Perpetual Help Altas kung ang pag-akyat sa PBA ang pag-uusapan.

Ang dalawang ito ay  na­kikitaan ng ibayong husay para tulungan ang Altas na makapasok sa 90th NCAA Final Four.

Ito ang ikatlong sunod na taon na nasa semifinals ang koponan ni coach Aric del Rosario at makakalaban nila ang four-time defending champion San Beda Red Lions sa Final Four na magsisimula sa Miyerkules sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Si Arboleda ang na­nguna sa pagpuntos sa elimination round sa 21.14 kada laro. Pero nakaka­tulong din siya sa ibang aspeto ng laro tulad sa rebounding (5.21), assists (2.79) at steals (1.14).

Hindi nagpapahuli ang 6’4 na si Arboleda na may 13.79 puntos, 8.86 rebounds, 5 assists at isang steal average.

Napaganda rin ni Arbo­leda ang kanyang shoo­ting sa 3-point line sa 41 percent performance.

“Sinabi ko sa kanila last year na kung gusto nilang maglaro sa PBA, kailangan hindi lamang sila maaasahan sa scoring,” wika ni Del Rosario.

Tinuran pa ng coach na  nadagdag pa kay Baloria ang depensa habang si Arboleda ay maaasahan na sa 3-point shooting at sa pag-assist na kailangan niya sa PBA lalo pa’t  hindi naman siya ganoong ka­la­kihan para maging power forward sa pro league.

Nagpasalamat sina Baloria at Arboleda sa exposures na nakuha habang naglalaro sa Altas kaya’t nag-ibayo ang ipinakita sa liga sa season na ito.

At dahil dito, gagawin ng dalawa ang makakaya para maipasok sa Finals ang Perpetual.

“Ang Perpetual ang nakatulong sa akin para maabot ko ang kinalalagyan ko ngayon kaya sisikapin kong maipasok sila sa Finals,” wika ni Baloria.

“Mas maganda bago umakyat sa PBA ay may NCAA title ako at ito ang gusto kong mangyari,” dagdag ni Arboleda.

Sina Baloria at Arboleda ay maglalaro sa NLEX Road Warriors matapos ipagpalit ng mga kumuha sa kanila sa PBA Draft na Blackwater at  Talk N’ Text.

vuukle comment

ALTAS

ANG PERPETUAL

ARBOLEDA

BALORIA

DEL ROSARIO

FINAL FOUR

HAROLD ARBOLEDA

JUNERIC BALORIA

MALL OF ASIA ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with