4-NBA players sinuspindi; Pierce at Noah pinagmulta ng tig-$15K
WASHINGTON--Inihayag kahapon ng NBA ang pagpapataw ng one-game suspension kina Washington Wizards starter Nene at reserves DeJuan Blair, Daniel Orton at Xavier Silas dahil sa pag-alis ng bench area sa girian nina Paul Pierce at Chicago Bulls center Joakim Noah sa kanilang preseason opener noong Lunes.
Ang suspensyon ay isisilbi nina Nene, Blair, Orton at Silas sa una nilang regular-season game.
Unang makakalaban ng Wizards sa regular-season opener ang Miami Heat sa Oktubre 29.
Pinatawan naman sina Pierce at Noah ng tig-$15,000.
Sa Berlin, nagsalpak si dating Xavier forward Jamel McLean ng isang running floater mula sa free throw line sa pagtunog ng final buzzer para itakas ang Alba Berlin laban sa NBA champion San Antonio, 94-93, sa exhibition opener ng Spurs.
Ang agaw sa inbound pass ni Tim Duncan ang nagresulta sa game winning shot ni McLean.
Tumapos si McLean na may 18 points at 10 rebounds para sa eight-time German champion na Alba.
Umiskor naman si Tony Parker ng 28 points sa panig ng Spurs sa NBA Global Games tour contest at nag-ambag si Kawhi Leonard at Duncan ng tig-14 points.
Susunod na lalabanan ng Spurs ang six-time Turkish champion Fenerbahce sa Sabado sa Istanbul.
- Latest


















