^

PSN Palaro

Alas sa texters na, aprub kay Salud

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuloy na ang pagla­laro ni  Kevin Alas sa Talk N’Text.

Ang number two pick ng Rain or Shine ay  ibinigay sa NLEX kapalit ang draft pick sa hinaharap at nakumbinsi ng Road Warriors ang expansion team Blackwater Elite para magsilbing tulay upang matuloy ang trade sa kapatid na koponan sa PBA na Tropang Texters.

Ipinagpalit ng Elite ang 2015 first round pick sa Talk N’ Text para kay KG Canaleta bago ibigay ang 6’6 cager para kay Alas.

Si Alas ay ipinagpalit sa TNT para mabawi ang naunang binitiwang first round pick sa susunod na taon at ang serbisyo ng 6’3 beteranong si Larry Rodriguez.

Ang palitan ay binasbasan na ni PBA commissioner Atty. Chito Salud kahapon.

Sa paglipat ni Alas ay nagkaroon ng pamalit ang guards ng Tropang  Texters na sina Jason Castro at Jimmy Alapag na kaila­ngan ang pahinga matapos mabugbog sa nilahukang FIBA World Cup at Incheon Asian Games.

Makakatulong sa NLEX si Canaleta dahil puwede siya sa outside shooting at sa rebounding habang mapapatatag ni Rodriguez ang ilalim ng Elite.

Ang epekto ng palitang ito ay makikita agad sa Elite at Tropang Texters sa pagbubukas ng PBA Philippine Cup sa Oktubre 19 sa Philippine Arena sa Bulacan dahil kalaban ng Blackwater ang Kia Sorento sa ganap na alas-3 ng hapon habang ang Talk N’Text ay makikilatis sa Barangay Ginebra dakong alas-5:15 ng hapon.

 

BARANGAY GINEBRA

BLACKWATER ELITE

CANALETA

CHITO SALUD

INCHEON ASIAN GAMES

JASON CASTRO

JIMMY ALAPAG

TALK N

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with