^

PSN Palaro

Pacquiao ‘di papayagang maging katawa-tawa ang sarili sa paglalaro sa PBA - Salud

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nangako si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao na mag­lalaro siya ng ilang mi­­nuto para sa una niyang pag­sabak bilang isang PBA player.

At alam ni PBA Com­mis­sioner Chito Salud na hin­di hahayaan ng 35-an­yos at 5-foot-6 na si Pacquiao, ang playing coach ng Kia Sorento, na ipahiya ang sarili sa harap ng mga basketball fans.

“Matalino si Manny. He won’t put himself in a position to embarrass himself,” ani Salud kahapon sa pag­lulunsad ng ika-40 season ng PBA sa Edsa Shangrila Hotel sa Mandaluyong City.

Kaagad na maglalaro ang Kia Sorento ni Pacquiao laban sa Blackwater sa pagbubukas ng 2014 PBA Philippine Cup sa Ok­­tubre 19 sa Philippine Are­­na sa Bocaue, Bulacan.

Magtatagpo ang Kia at ang Blackwater sa ganap na alas-3:13 ng hapon ka­su­nod ang banggaan ng Ba­rangay Ginebra at Talk ‘N Text sa alas-5 ng hapon.

Pupuntiryahin ng San Mig Coffee ang kanilang pang-limang Philippine Cup at hangad na madup­li­ka ang rekord na anim ng ma­alamat na Crispa Red­ma­nizers.

“After winning the PBA Grand Slam, we can’t lo­wer our goal,” sabi ni PBA Board representative Re­ne Par­do. “We’re looking for­ward to the Philippine Cup where we gun (cham­pion­ship) No. 5. After that, we’ll chase No. 6 and tie Crispa’s record.”

Natalo ang San Mig Cof­fee sa lahat ng anim nilang tune-up. (RC)

CHITO SALUD

CRISPA RED

EDSA SHANGRILA HOTEL

GRAND SLAM

KIA SORENTO

MANDALUYONG CITY

PHILIPPINE CUP

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with