^

PSN Palaro

Mga sports officials inaasahang magtuturuan sa kapalpakan: Hanggang isang ginto lang para sa team Philippines

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, Korea -- Walang reklamo si Chief of Mission at Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ri­cardo Garcia sa ipinakita ng 150-Pambansang atleta sa 17th Asian Games na natapos kahapon dito.

Matapos ang 16 na araw ng kompetisyon, ang Pilipinas ay mag-uuwi bitbit ang 15 medalya na hinati sa isang ginto, tatlong pilak at 11 tansong medalya.

Si Daniel Caluag ang siyang nagsalba sa delegasyon sa sana’y gold medal shutout nang napatunayan na siya ang tunay na No. 1 sa BMX competition nang dominahin ang tatlong karerang nakapaloob dito.

Ngunit sa kabuuan ng medal standings, ang Pilipinas ay nagkasya lamang sa ika-22 puwesto at lumabas na na­sa ika-pitong puwesto laban sa mga kapitbahay na ban­­sa sa Southeast Asian.

Ito na ang ikatlong pinakamababang medal output sa kasaysayan ng pagsali ng Pilipinas sa Asian Games mu­la noong 1951 at ang kabuuang bilang ng hinakot na me­dalya ay pinakamababa mula 1994 Hiroshima Games.

Ang pinakamasamang marka ng bansa sa tuwing apat na taong kompetisyon ay nangyari noong 1975 sa Tehran nang walang naiuwing gintong medalya ang delegasyon pero mayroong dalawang pilak at 11 tansong medalya.

Ang ikalawang pinakamababa ay naganap noong 1990 sa Beijing, China sa 1-2-7 gold-silver-bronze medals.

Ang delegasyon na inilaban sa Hiroshima ay mayroong kabuuang 13 medalyang pananalunan pero tatlo rito ay mga gintong medalya.

Aminado si Garcia na kinapos ang koponan na maabot ang target na tatlong gintong medalya na nakuha sa Guangzhou, China noong 2010 pero hindi nangahulugan na bigo o nagsayang lamang ng pera ang Pilipinas.

“I’m very happy with the results even if we expected more gold medals,” wika ni Garcia. “We were deprived of at least 2 of 3 more golds.”

Ang mga boxers na sina Mark Anthony Barriga at Ian Clark Bautista ay nabiktima ng masamang judging na kung naging patas ay posibleng nagresulta pa sa dalawa pang gintong medal na sasapat sa kanilang target.

“Our athletes gave it all. They represented the country well,” dagdag pa ni Garcia.

Pinuri man ang mga atleta, kikilos din ang PSC at re­rebisahin  ang nangyari sa paghahanda at partisipasyon ng mga National Sports Associations (NSAs) upang ma­itama ang ibang pagkakamali lalo pa at sa Hunyo ng 2015 ay sasalang muli ang bansa sa SEA Games sa Singapore.

Sumali ang Pilipinas sa 25 sa 35 sports na pinaglaba­nan pero anim lamang ang naghatid ng medalya at ito ay ang archery, boxing, cycling, karate, taekwondo at wushu.

Ang mga medalists ng Pilipinas ay sina Daniel Caluag – BMX cycling (gold); Charly Suarez – boxing, Jean Claude Saclag – wushu sanda at Daniel Parantac wushu tao­lo (silver); Paul Marton dela Cruz – archery, Maerk An­thony Barriga, Mario Fernandez, Wilfredo Lopez – boxing, Benjamin Keith Sembrano, Samuel Morrison, Ma­ry Anjelay Pelaez, Levita Ronna Ilao, Kirstie Elaine Alo­ra – taekwondo, Mae Soriano – karatedo at Francisco So­lis – wushu sanda (bronze).

Hindi naman nakaporma ang Gilas PIlipinas nang tu­mapos bilang pang-pito sa men’s basketball.

Malaki ang inasahan sa Nationals matapos ang kampanya sa 2014 FIBA World Cup sa Spain kung saan nila sinabayan hanggang sa pagtunog ng final buzzer ang mga bigating koponan ng Argentina, Croatia, Greece, Puerto Rico at tinalo ang Senegal para sa kanilang 1-4 record sa world meet na muling pinagharian ng Team USA.

vuukle comment

ANJELAY PELAEZ

ASIAN GAMES

BENJAMIN KEITH SEMBRANO

CHARLY SUAREZ

CHIEF OF MISSION

DANIEL CALUAG

GARCIA

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with